top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pramis, spoiled daw sa lola… VILMA, TUWANG-TUWA NA BABAE ANG UNANG APO KINA LUIS AT JESSY

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 27, 2022
1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 27, 2022



Labis ang tuwa ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto nang malamang babae ang kanyang magiging unang apo sa anak na si Luis Manzano at manugang na si Jessy Mendiola.


Labis na ikinatuwa ng multi-awarded actress ang magandang balita, pero higit na nadagdagan ang kanyang kaligayahan dahil babae ang magiging unang apo niya.


Sa isang exclusive interview kay Ate Vi ng PEP.ph nitong August 26 (Friday), ibinahagi ng aktres-pulitiko ang kaligayahang nararamdaman tungkol sa pagkakaroon nila ng bagong miyembro ng pamilya.


“Heaven ang pakiramdam… may apo na ako na coming, plus girl pa!


“Dalawang boys ang anak ko [Luis and Ryan Christian], barako ang pakiramdam, pero ngayon, may girl na!


“Sarap sigurong ayusan. Hindi ko alam ang pakiramdam till I see her! Basta… sooo excited ako. Tapos girl pa!


“Praying for Lucky, Jess, and Peanut,” masayang-masaya at punumpuno ng excitement na lahad ni Ate Vi.


“Peanut” muna ang tawag ng actress-politician sa kanyang paparating na apo.


Dahil girl ang unang apo, asahan daw na spoiled sa kanya si Peanut. Asahan din ang laging paghiram ni Ate Vi sa kanyang apo sa mag-asawang Luis at Jessy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page