top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pramis ni Romualdez.. Teves, safe ‘pag umuwi ng ‘Pinas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | March 17, 2023




“Umuwi ka na, kami ang bahala sa iyong kaligtasan.” Ito ang tiniyak kahapon ni House Speaker Martin Romualdez kay Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves, kasunod ng patuloy na pagtanggi nitong umuwi na sa bansa dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan.


Ayon kay Romualdez, nang makausap niya sa telepono si Teves ay pinaalalahanan niya ito na walang mangyayari kung hindi niya haharapin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo kamakailan.


Sinabihan umano niya si Teves na liliit lamang ang kanyang mundo kung hindi pa rin siya uuwi sa bansa.


Nabatid na Marso 9 ang huling araw ng leave o bakasyon ni Teves, base na rin sa travel clearance na isinumite nito sa Kongreso.


Kaya naman, sinimulan na ng House Ethics Committee ang pagdinig kung kailangan na bang patalsikin sa Kongreso o suspendihin muna ang naturang mambabatas dahil sa hindi pagsunod sa utos ni Speaker Romualdez na umuwi sa bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page