top of page
Search
  • BULGAR

Pramis ni PBBM na ‘di isusuko si ex-P-Duterte sa ICC, parang pangakong ding P20 kilong bigas

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 17, 2024



HINDI DAPAT PANIWALAAN NI EX-P-DUTERTE ANG PROMISE NI PBBM NA HINDI SIYA ISUSUKO SA ICC, KASI PARANG PROMISE DIN ‘YAN NA P20 PER KILONG BIGAS NA HINDI NATUPAD -- Sa media interview ay sinabi ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na hindi raw isusuko ng kanyang pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) kapag naglabas na ito ng warrant of arrest laban kay ex-P-Duterte.


Sa totoo lang, hindi dapat paniwalaan ng kampo ni ex-P-Duterte ang promise na ‘yan ni PBBM, kasi parang P20 per kilong bigas din ‘yan na ipinangako noon ng Presidente, pero hindi natupad, period!


XXX


MALABONG MATUPAD ANG P20 PER KILONG BIGAS, KASI ANG PRESYO NG PALAY NASA P23-P30 NA PER KILO -- Ang ibinida ng Dept. of Agriculture (DA) na itataas na nila ang presyo ng palay na ang dry and clean palay ay magiging P30 na per kilo mula sa dating P23 per kilo at ang fresh palay ay magiging P23 na per kilo mula sa dating P19 per kilo ay pagpapatunay na malabo ng matupad ang promise ni PBBM na kesyo darating din daw ang panahon na magiging P20 per kilo ang presyo ng bigas.


Nasabi natin ito kasi alangan naman na ang palay na binili sa halagang P23 hanggang P30 per kilo kapag tinistis na ito sa mga rice mill at naging bigas na ay paluging ibenta sa P20 per kilo, boom!


XXX


PUV MODERNIZATION PROGRAM, GINAGAMIT NG MARCOS ADMIN SA PANGHA-‘HARASS’ SA MGA TSUPER AT OPERATOR NG TRADITIONAL JEEPNEY -- Wala sa ayos itong Marcos administration kasi mantakin n’yo, umaandar at karamihan sa mga traditional jeepney ay maayos pa naman, tapos aalukin ng pamahalaan ang mga jeepney operator na bumili ng mga e-jeep na made-in-China na nagkakahalaga ng higit P2 million per unit para raw sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno, at kapag sinabi ng inaalukan na wala siyang ganyan kalaking halaga ay tatakuting tatanggalan ng prangkisa at kukumpiskahin ang jeep kapag ipinangpasada o ibiniyahe pa sa kalsada.


Onli in da ‘Pinas lang ‘yan na ang ganyang uri ng programa (PUV modernization) ng gobyerno ang ginagawang sandata sa pangha-‘harass’ sa mga tsuper at operator ng traditional jeepney sa buong bansa, tsk!


XXX


MAPAPAHAMAK PA ANG MGA TAGA-MMDA SA DONASYONG P200K NI CHAVIT SINGSON -- Matapos mahuli sa ilegal na pagdaan ng kanyang sasakyan sa EDSA Busway ay humingi ng paumanhin sa publiko si politician-businessman Chavit Singson, at bagama’t nagpatiket na ang kanyang driver, binayaran ang penalty, ay nag-donate siya ng P200K sa Metro Manila Development Authority (MMDA), pero ayon kay Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada ay ilegal daw ang ginawang pagtanggap ng MMDA ng donasyon, na base sa RA 6713 ay ipinagbabawal sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang tumanggap ng anumang regalo o donasyon sa mga private individual.


Nakupo, dahil yata sa pagmamagandang-loob ni Chavit ay mapapahamak at makakasuhan pa ang mga tumanggap at nagparte-parte sa ibinigay niyang P200K sa mga taga-MMDA, saklap!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page