top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pramis ni P-Duterte, unang tuturukan ng vaccine kontra COVID-19 mula Russia para wala nang satsat!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2020
  • 2 min read

ni Bong Revilla - @Anak ng Teteng | August 17, 2020



BUONG mundo ang nagdurusa dahil sa patuloy na pagkalat ng pendemya at kitang-kita naman kung gaano na karami ang nahawa at nasawi dahil sa lupit ng COVID-19.

Maraming bansa rin ang hindi magkandaugaga sa pagtuklas ng bakuna para maresolba ang kinahaharap nating pandemya at makaraan nga ang ilang buwan ay may mga bansa nang nagpahayag na malapit na nilang ilabas ang pinakahihintay na bakuna.

Nag-uunahan ang pinakamamalaking pharmaceutical company sa iba’t ibang bansa at naging dahilan nang pagkakaantala ay ang sinusunod na proseso na dapat sumailalim sa kumpletong pagsusuri at pagsubok ang ilalabas na vaccine.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpahayag kamakailan na malapit na ang bakuna na lalong nagpasabik sa ating mga kababayan na gustung-gusto nang wakasan ang paghihirap dulot ng COVID-19.

Sa isang banda ay nagdulot ito ng napakalaking pag-asa sa ating mga kababayan para lumaban pa sa buhay dahil kitang-kita ang pagsisikap ng maraming bansa na nais iligtas ang sangkatauhan.

Hanggang sa heto na’t t nagpahayag na ang Russia na meron na silang bakuna at buong pagmamalaki nilang sinasabi na sila ang kauna-unahang bansa na naglabas ng solusyon sa pandemyang ito.

Ngunit ang pinakahihintay na bakuna ng lahat na inakalang ipagbubunyi ng marami ay tila hindi pala dahil agad itong inulan ng mga pananakot at negatibong mga pahayag at lumalabas na hindi pa tiyak ang kaligtasan nito.

Imbes na matuwa ang mga tao dahil may solusyon na, mas pinaniwalaan nila ang mga paninirang nilikha ng mga bansang naungusan ng Russia sa paglalabas ng bakuna.

Lumalabas na hindi pala kaligtasan ng mga tao ang pakay ng maraming bansa kung hindi negosyo ang habol sa paggawa ng bakuna dahil bilyong dolyar ang kanilang kikitain.

Hindi nila matanggap na nauna ang Russia sa paglalabas nito kaya sinisiraan sila ng ibang bansa partikular ang mga higanteng pharmaceutical company na halatang pera lang din ang motibo at hindi talaga pagtulong.

Hindi natin sinasabing perpekto na ang bakuna ng Russia at dapat siguruhin ang kaligtasan at pagiging epektibo nito, pero sa halip na siraan, dapat matuwa ang mundo na heto na ang tulong-medikal sa COVID-19.

At nakalulungkot dahil minsan pa ay naging epektibo na naman ang paninira dahil maraming tao ang natakot magpabakuna, sa halip na matuwa dahil hindi na sila mahahawa sa COVID-19.

Kaya, ang Pangulo mismo ay nagpahayag na sa oras na dumating ito, siya mismo ang unang magpapabakuna upang wala na umanong maraming satsat.

Alam na niya ang ugali ng maraming tao at inaasahan niyang imbes mapadali ang problema ay may ilang wala talagang inisip kung hindi ang pahirapin ang sitwasyon.

Sa ngayon santambak na kesyo ang naglalabasan, kesyo minadali ang vaccine ng Russia, kesyo hindi pa subok, kesyo delikado, kesyo mas madaling umiwas sa COVID-19 kesa magpabakuna.


Anak ng Teteng!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o

mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page