top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pramis ni P-BBM na P20/kilo ng bigas, suntok sa buwan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 21, 2023



TULUY-TULOY ANG PAGTAAS NG PRESYO NG BIGAS, KAYA SUNTOK SA BUWAN ITONG MAGING P20/KILO —Sa ilalim ng Marcos administration, tatlong beses nang nagtaas ang presyo per kilo ng bigas. Noong Oktubre 1, 2022, tumaas nang P1/kilo nito, nasundan ng P2 pagtaas noong Marso 1, 2023 at nadagdagan pa nang P2 noong Marso 14, 2023.


Dahil dito, ang presyuhan ngayon ng bigas sa merkado ay pinakamababa ang P38/kilo, at pinakamataas ang P58/kilo.


Kaya ‘yung pramis ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na malapit nang maging P20/kilo ang bigas ay malabong matupad dahil suntok sa buwan ‘yan, period!


◘◘◘


KUNG MAY DAPAT MABAGO, ‘DI ANG KONSTITUSYON KUNDI ANG ‘UTAK’ NG MGA BOBO-TANTE NA BOTO NANG BOTO SA MGA PLUNDERER—May mga bobo-tante ang sumusuportang baguhin ang mga nilalaman ng Saligang Batas sa paniniwalang ito ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.


Sa totoo lang, kung mayroon mang dapat baguhin, ito ay ang utak ng mga bobo-tante, at hindi ang 1987 Constitution.


Boto kasi nang boto sa mga pulitikong plunderer ang mga bobo-tante na ito, tapos reklamo sila nang reklamo na hirap na sila, kung saan hindi na umasenso ang kanilang mga pamumuhay, kaya suportado raw nila ang Charter Change (Chacha) sa paniniwalang sa pamamagitan nito, giginhawa na raw ang kanilang pamumuhay. Boom!


◘◘◘


KUNG NAIS NG MAMAMAYAN NA UMASENSO ANG ‘PINAS, I-REJECT SA 2025 ELECTIONS MGA PLUNDERER—Sa 2025 elections, subukan ng mga botante na huwag magpakabobo, ibasura nila sa eleksyon ang mga plunderer na kandidato.


At kapag wala nang naluklok na corrupt, malaki ang posibilidad na makaahon sa kahirapan ang mamamayan dahil wala nang magbubulsa sa kaban ng bayan, at ang perang ito ay tiyak mapupunta na sa pangkabuhayan ng taumbayan, period!


◘◘◘


BUREAU OF IMMIGRATION, IMBES MAKATULONG, NAMEMERWISYO PA—Malaking perwisyo ang idinulot ng ginawa ng ilang immigration officers sa airport sa panggigisa nang ilang oras sa isang Filipina traveler, kung saan pati diploma at graduation year book ay hinahanap. At sa tagal ng pag-uusisa, naiwanan na ng eroplano ang naturang traveler, na ang naging sanhi para magdoble ang gastos nito sa pasahe.


Dahil d’yan ay nag-panic ang Pinoy travelers na lalabas ng bansa, hinagilap pa ang kanilang mga graduation year book at diploma para ipakita sa mga airport Immigration officers, gayung hindi naman talaga requirement ang mga ito para makalabas ng bansa.


Ganyan ang ilang Immigration officers sa ‘Pinas, imbes tumulong para mabilis na makasakay ng eroplano ang mga Pinoy travelers, ay piniperwisyo pa. Pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page