top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pramis ng gobyerno, Pinoy ‘di mapag-iiwanan sa COVID-19 vaccine

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2020
1 min read

@Editorial | December 15, 2020



Sa gitna ng ulat na kino-corner umano ng mayayamang bansa ang mga bakuna kontra COVID-19, tiniyak naman ng Palasyo na hindi mapag-iiwanan ang ‘Pinas.


Hindi umano papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makabili ng COVID-19 vaccine.


May mga pamamaraan na umanong ginagawa para matiyak na may makukuhang bakuna ang Pilipinas. Sa ngayon, ikinakasa na ng Pilipinas ang pagbili ng bakuna sa mga kompanyang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sinopharm.


Una nang naiulat na posible umanong hindi mabigyan ng COVID-19 vaccine ang siyam sa bawat 10 indibiduwal mula sa mga mahihirap na bansa.


Ayon sa People’s Vaccine Alliance, bunsod ito ng pag-hoard o pag-iimbak ng sobra-sobrang suplay ng mga mayayamang bansa. Nabili na raw ng mayayamang bansa ang 53% ng kabuuang stock ng mga malilikhang bakuna hanggang noong Nobyembre.


Kung ganito ang nangyayari, hindi imposible na magkaroon ng gulo.


Umpisa pa lang ay ipinapanawagan na ang patas na pagbebenta ng bakuna, walang pipiliing bansa o estado sa mundo, hangga’t maaari ay laging isasaalang-alang ang mga higit na nangangailangan.


Sana sa mga bansang mayayaman na mismo magsimula ang maayos at patas na sistema sa pagbili at pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.


Huwag sanang hayaan na mauwi sa gulo ang laban na dapat sana’y pinagkakaisang talunin ng bawat lahi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page