Search
  • BULGAR

Pramis ng DTI, papayagan na ang lahat na magbukas ng negosyo

ni Ka Ambo - @Bistado | October 1, 2020



Kapansin-pansin ang maraming nakasaradong puwesto ng negosyo sa iba’t ibang lugar.


Pero, inabiso ng DTI na target nilang payagan na ang 100 percent business opening.


‘Yan ay sa pasubaling magpatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID sa Metro Manila!


◘◘◘


Marami pa rin ang walang trabaho dahil sa paghina ng mga negosyo.


Gayunman, klik na klik ngayon ang negosyo na may kaugnayan sa pagkain.


Pagkain ang pinakamahalagang aspekto ng buhay!


◘◘◘


Marami ang natuwa nang magdeklara ng business expansion ang Prime Global Corporation kung saan imbes na magbawas ng empleyado ay nagdagdag pa sila.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


Inobasyon ang kailangan sa panahon ng krisis at kailangan mapagbuti ang produkto upang makaangat.


Kahit noong panahon ng Japanese occupation, ayon sa aking ama at ina—bagaman marami ang nagdahop—marami rin ang biglang nagsiyaman.


‘Yan ay ang hanay ng mga alerto, masisinop, masisipag at mga may inobasyon sa panahon ng krisis!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.