top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pramis na bente pesos na bigas, imposible na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 7, 2023
  • 1 min read

@Editorial | November 6, 2023


Kasunod ng pagkakatalaga sa bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA), muling naalala ng taumbayan ang ipinangakong P20 kada kilong bigas.


Gayunman, hindi pa man nag-iinit sa puwesto, inamin ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na sa ngayon ay hindi pa posibleng maibaba ang presyo ng bigas sa ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong kampanya na P20 kada kilo.


Bagama’t hangad pa rin umano ng ahensya na maibaba ang presyo ng bigas sa bente pesos.


Ang problema aniya sa ngayon ay nasa 15-year high ang presyuhan ng bigas sa pandaigdigang merkado kaya’t hindi pa ito posible.

Sa kabila nito, umaasa ang mamamayan na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para gawing abot-kaya ang bigas sa bansa.

Bukod sa pagsuporta sa mga magsasaka, patuloy na panawagan at hamon sa mga awtoridad ang paghabol sa mga nananabotahe sa agrikultura.


Inaabangan pa rin ng taumbayan ang paghuli at pagpapakulong sa mga smuggler, hoarder at mga korup sa gobyerno na nakikipagsabwatan sa mga abusado. Mahirap nga namang labanan ang anumang uri ng ilegal na gawain kung nasa mismong bakuran ang gumagawa o nagbibigay ng proteksyon sa mga sindikato.


Umaasa tayo na sa kamay ng bagong pinuno ng DA ay may masasampulan para naman hindi mapako ang pangakong murang bigas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page