top of page

Pramis, ‘di raw purdoy kahit olats na senador… WILLIE, BUMILI NG P12M YATE, 4 CONDO AT TESLA CAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 7, 2025



Photo: Willie Revillame - Wowowin FB


Para patunayan lang sa lahat na hindi totoo ang balitang naghihirap na siya at nasaid na ang kanyang yaman nang kumandidatong senador, namili na ng mga bagong properties si Willie Revillame. 


May bago siyang yate ngayon na worth P12 million. Binili rin niya ang 49th floor ng isang sosyal na building sa BGC para gawing penthouse at bumili ng apat na condo units.


Bukod dito ay bumili siya ng bagong sasakyan, Tesla Beast, na dagdag sa koleksiyon niya ng mga luxury cars.


Isang reliable source din ang nagbalitang naghahanap si Willie ng mabibiling bahay sa Dasmariñas Village sa Makati kahit may bagong condo na siyang tinitirhan ngayon. 


Well, ito ay patunay lamang na hindi totoong naubos na ang yamang naipundar ni Revillame. Gumastos man siya noong tumakbo siyang senador, hindi naman niya uubusin ang kanyang mga properties dahil may mga anak siyang paglalaanan. 


Nilinaw din niya na hindi totoo na naibenta na niya ang kanyang private resort sa Puerto Galera. Pang-personal niya itong gamit kaya hindi niya ibebenta.



NAISINGIT lang ni Kathryn Bernardo ang maikling bakasyon sa Thailand dahil pagbalik niya sa ‘Pinas ay agad na siyang sasalang sa taping ng bago niyang serye katambal si James Reid. 


Ngayong Agosto raw ia-announce ang title ng bagong serye ni Kathryn. May nagsasabing isang adaptation ang kanilang pagtatambalan ni James. Sey naman ng isang insider, bagong istorya raw ito na babagay sa kanila. 


At mukhang malabo na ngang mangyari ang hinihintay o inaabangan ng KathNiel fans para sa isang reunion project nina Kathryn  at Daniel Padilla.


Sa ibang aktor naman susubukang ipareha si Kathryn. At wala namang choice ang mga fans, karapatan ng mga movie producers ang pumili ng magbibidang artista sa kanilang project. 


Tapos na ang era ng tambalang KathNiel. And for sure, maging si Kathryn ay ayaw munang makatrabaho ang ex niyang si Daniel.



SA wakas, magbibida na rin si Bea Binene sa isang pelikula, katambal si Sid Lucero. Ito ay sa horror movie na Posthouse na idinirek ni Nikolas Red. 


Maganda ang black-and-white na poster ng pelikula. Excited si Bea Binene sa pelikulang kanyang pagbibidahan. 


Twenty-one years na siya sa showbiz at ngayon lang nabigyan ng chance na magbida sa isang pelikula. 


Ipapalabas na ang Posthouse sa August 20.


Well, mukhang nauuso ngayon ang horror films. Noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 ay kumita ang Espantaho na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino. Horror din ang P77 movie ni Barbie Forteza. May ilang horror movies na tapos na at hinahanapan ng magandang playdate. 


Ano kaya ang ikinaiba ng Posthouse na si Bea Binene ang bida? 

‘Yan ang aabangan at huhusgahan ng mga moviegoers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page