top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Praktis na raw para sa Lollapalooza music festival… SB19, PINADAGUNDONG ANG SMART ARANETA SA TILIAN NG FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 13, 2026



SPECIAL - SB19, PINADAGUNDONG ANG SMART ARANETA SA TILIAN NG FANS-IG _officialSB19

Photo: IG _officialSB19



Sobrang solb at sulit to the max ang time and effort ng mga concert goers na pumila at nanood sa katatapos lang na Puregold OPM Con Generations 2026 sa Smart Araneta Coliseum last Saturday night.


Limang oras na tumakbo ang naturang concert na nagsimula ng 6 PM at 11 PM na natapos. 


Punumpuno ang Big Dome mula sa VIP section hanggang sa lower box. Sabi nga ng mga nag-assist sa aming marshalls, first time nangyari sa Puregold OPM Con Generations 2026 na SRO ang VIP section at wala talagang umaalis kesehodang 5 oras silang nagtiyagang nakatayo ru’n, ha? Grabe, devah?!


Well, hindi naman kasi masisisi ang mga nanood ng naturang concert dahil very rare ang mga ganitong pagkakataon na mapagsama-sama mo sa isang gabi ang mga iniidolo at tinitiliang sikat na singers-performers-banda ngayon. 


Sinimulan nga ang Puregold OPM Con Generations 2026 ng boy band na Alamat, na paglabas pa lang nila, agad nang dumagundong ang Araneta sa lakas ng tilian ng mga fans.


Sinundan naman ito ng performance ng Filipino girl group na Xonara. Literal na naging pula ang loob ng Araneta sa kanilang latest single na Pula


“Slay” naman ang karamihan sa mga comments sa performance ng girl group na Kaia na in fairness, ang gagaling din, maging ang G22 na ang taas din ng energy at ang se-sexy!


Medyo na-senti naman ang manonood sa ilang kanta ng Sunkissed Lola.

Muling nabuhay ang crowd nang lumabas ang rapper na si Flow G na pasabog pa ang entrance dahil lumabas ito sa harapan ng stage sakay ng isang green drift car. Ilang songs din ang kinanta niya, na kahit hindi naman namin maintindihan ang lyrics, todo-enjoy ang mga fans niya na nakikisabay sa pagra-rap niya.


Sigawan din ang mga tao nang lumabas si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, na akala mo ay napadaan lang at manonood lang ng concert dahil naka-white t-shirt at maong pants lang, pero grabe, pak na pak talaga ang performance at tuwang-tuwa sa collaboration nila ni Flow G ang mga fans.


Panalo rin ang performance ni Skusta Clee, na sinabayan pa ni Jay Durias na mukhang na-miss nang sobra ng mga fans, kaya nakikisabay din sa kanta nila ang mga nanonood.

Ang daming naging sentimental sa mga songs ng Ben & Ben, lalo na sa sikat nilang song na Leaves at Mahiwaga. Panahon talaga nila ngayon dahil ang daming nakakaalam ng kanilang mga songs na todo-sabay sa kanila sa pagkanta.


Sumakit naman ang tenga namin sa sigaw ng babaeng nasa likod namin nang lumabas sa stage si Armi Millare, ang lead vocalist at keyboardist ng rock band na Up Dharma Down, at nakipag-collab sa Ben & Ben.


At siyempre, ang highlight ng gabi ay ang performance ng last performer na SB19. Grabe ang dagundong ng Araneta sa paglabas nila sa stage, parang natanggal na ang eardrum namin sa tilian ng mga A’TIN (fans ng SB19).


Pero magandang sign ito at sabi nga, parang praktis na sa upcoming performance nila sa Lollapalooza Music Festival sa July 30 (July 31 dito sa ‘Pinas) sa Chicago, Illinois.

Nagliwanag talaga ang mga lightstick na hawak ng A’TIN habang kumakanta ang SB19. Grabe ang energy ng mga fans, kaya naman ganadung-ganado rin sina Pablo, Stell, Josh, Justin at Felip sa pagkanta at pagsasayaw.


At kaya masasabing sulit talaga ang mga nanood ay dahil nag-enjoy na sila sa performance ng mga nag-perform that night, bawat isa ay may naiuwi pang grocery bag from Puregold.


Bongga to the max talaga ang Puregold ni Sir Vincent Co, devah?!

Congrats sa success ng Puregold OPM Con Generations 2026!





Bulung-bulungan sa Chinese community…

BYUTING AKTRES, NAI-BOOKING NG TIYUHIN NG RICH BF KAYA INAYAWAN NG PAMILYA NG GUY



BLIND ITEM:

NAKARATING sa amin ang bulung-bulungan sa Chinese community kung bakit inayawan ng pamilya ng rich guy ang girlfriend niyang byuting aktres.


Ang kuwento pala rito, nu’ng hindi pa sikat ang byuting aktres at baguhan pa lang siya sa industriya, dumaan din ito sa stage na ‘pa-booking’. 


Yes, ‘yung pumapayag na i-book para maka-date ng mga rich guys na kliyente nila para makasama nang buong magdamag at maghatid ng ligaya.


Ang siste, isa sa mga naging kliyente ni byuting aktres ay ang uncle ng kanyang rich BF.


Nalaman ito ng pamilya ng rich guy kaya pilit silang pinaghiwalay kahit pa sobrang in love ang lalaki sa byuting aktres.

Ang ending, single na naman ngayon ang aktres. 


But in fairness, mapera na siya ngayon, kaya sabi nga, it’s all in the past at parte na lang ng ‘bangungot’ sa kanyang buhay ang bahaging ‘yun ng kanyang kabataan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page