top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Power Hitters, diniskarga agad ang Crossovers sa PVL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 13, 2022



Malinaw na malinaw ang koneksyon ng laro ng PLDT Home Fibr Power Hitters upang makuha ang buwenamanong panalo ng koponan matapos dominahin ang diskargadong Chery Tiggo Crossovers sa straight three-set panalo sa 25-18, 25-19, 25-14 sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa FilOil Flying V-Centre sa San Juan City.


Kumunekta ng impresibong laro si dating De La Salle Green Archers middle blocker Mika Reyes ng kabuuang 15pts mula sa 12 atake at 3 blocks upang itirik ang Chery Tiggo na wala ang ibang mga pambato na sina Dindin Santiago-Manabat, EJ Laure at Buding Duremdes na pare-parehong may mga injuries upang problemahin ang maayos na service receptions at kakailanganing puwersa para sa koponan.


Naging mabisa rin ang atake ni dating Far Eastern University hitter Toni Rose Basas na kumarga ng 14pts galing sa 13 atake, habang nag-ambag si dating Ateneo Blue Eagles Juls Samonte sa 11pts at hard-hitter Fiola Ceballos ng 10 pts, 14 excellent digs at 7 excellent receptions upang makapagrehistro ng apat na double digit scorer, kasunod ng magandang pamamahagi ng beteranong setter na si Rhea Dimaculangan na may 21 excellent sets


“Sobrang importante kase itong first game kase eto yung magbo-boost sa amin through-out the season, lalo na yung next game namin is against last conference champion (Creamline) kaya kailangan i-polish at pagpractice-an lahat,” pahayag ni Reyes matapos ang laro.


Halata namang kulang sa arsenal ang Chery Tiggo na walang nagtapos ng dobleng pigura mula kina Mylene Paat sa 9pts kasama ang 10 excellent digs, habang may 6pts si Mika Ortiz para sa ikalawang sunod na pagkatalo sa maigsing single round elimination.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page