top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Post office Notification cards ipinatigil, “undelivered parcels” naresolba

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26, 2021
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 26, 2021




Hello, Bulgarians! Inanunsiyo ng Philippine Postal Corporation o Post Office ang pagpapatigil sa matanda at matagal ng gawain ng pag-iisyu ng “notification cards” na siyang nagpapabagal sa proseso ng paghahatid ng sulat o parsela.


“Kapag dumating na ang parsela sa kanilang tanggapan at naiproseso na, wala nang dahilan upang ito ay magtagal pa sa Post Office. Hindi na kailangang antayin pa ang “Notification Cards”, at ito ay kaagad na ihahatid ng kanilang tanggapan via door to door”, ayon sa Postal Service.


Kamakailan lamang ay naihatid na ng postal service ang mga “undelivered parcels” sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Palawan at Batanes. Humigit kumulang 214,730 na “undelivered mails” ang naihatid ng PHLPost Area 3 mula Marso 23.


Ayon kay Postmaster General Norman “Postman” Fulgencio, katumbas nito ang bilang ng mga taong sana ay pupunta o magpipick-up ng kanilang parsela sa post office. Sa pamamagitan ng “door to door delivery” magiging maginhawa at ligtas para sa publiko ang ganitong sistema na kanila ring ipatutupad sa buong bansa sa mga darating na araw.


Nagpasalamat si Postmaster General Fulgencio sa mga kawani at opisyal ng post office sa kanilang pakikiisa sa kanyang proyekto at sa mga darating pa, upang mapabilis ang sistema ng serbisyo ng koreo sa bansa.


“Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa publiko sa kanilang pang-unawa at pasensiya. Ang serbisyo-postal ay malayo pa rin sa pagiging perpekto nito sa operasyon, ngunit patuloy nitong pinagbubuti at pinahuhusay ang paghahatid ng sulat at parsela saang mang dako ng mundot”, dagdag pa ni Postmaster General Fulgencio.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page