Post ng rumored GF, pinusuan… DOMINIC, TINAWAG NA PAPANSIN AT USER NG FANS NI BEA
- BULGAR

- Nov 25, 2020
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | November 25, 2020

Tinawag na papansin si Dominic Roque ng mga netizens sa comment section ng post ni Bea Alonzo sa Instagram. Naglagay kasi ng three red hearts ang aktor sa post ni Bea.
Si Dominic ang nali-link kay Bea ngayon. May balita pa na magkarelasyon na ang dalawa.
Ipinost ni Bea ang piktyur niya sa gitna ng kahun-kahong donasyon na mga pagkain. Sa caption ng IG post ay pinasalamatan ni Bea ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones sa mga ibinigay na donasyon para sa organisasyong pinangungunahan ng Kapamilya actress.
Caption ni Bea, "We, at the @iamhope_org , are always happy when collaborations to help the community take place. Together we can. Shoutout to this lovely couple for their big hearts @jerichorosalesofficial & @kimcamjones. Thank you for donating 400 food packs to Marikina today. Love namin kayo!!"
Nag-comment si Echo sa post ni Bea. Pinasalamatan niya ang aktres at grupo nito sa pag-gather ng mga donasyon na pagkain para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Kinilig naman ang ibang IG followers ni Bea sa mapusong comment ni Dominic. But sad to say, may mga kumutya pa rin sa aktor.
"Papansin... si friend."
"Eto na naman si papansin.... ganyan-ganyan ka rin dati kay Julia Barretto, 'di ba? May pa-heart-heart pa, user ka talaga."
"Pa-issue ulit para bukas, nasa tabloid na naman! 'Di ka kasi napapag-usapan 'noh 'pag 'di ka didikit kay @beaalonzo."
At kaya raw nagpapapansin si Dominic kay Bea ngayon ay dahil nasa news ulit ang Kapamilya actress with her perennial partner on screen na si John Lloyd Cruz after maispatan na magkasama sila sa Batangas.
May basher din si Dominic na tumawag sa kanya ng linta, pero meron din namang nagtanggol sa kanya na mga followers ni Bea.
"Hala, ang sama. Are you happy to hurt Dom? Wow, sa panahon ngayon, may time ka pa."
"Tigilan ninyo si Dom. Kayo nga, 'di n'yo matanggap na mas lalong hindi na magugustuhan ni B (Bea) si JLC lalo pa ngayong may sabit na. Deserve ni B ang walang sabit at 'di alcoholic!"
Hala, pati ang nananahimik na si John Lloyd, na-bash din, huh?





Comments