Pork barrel at confidential funds ang dapat tanggalin, hindi ang P100K cash gifts sa centenarians
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 8, 2022
BUDGET SA CENTENARIANS ZERO, PERO BUDGET SA PORK BARREL NG MGA SEN. AT CONG. AT CONFIDENTIAL FUNDS, MERON—Walang inilaang budget ang Department of Budget and Management, mga senador at kongresista para sa mga centenarian o 'yung mga nabubuhay na lolo at lola na umabot sa edad 100.
Nasa batas na bilang pagkilala ay binibigyan ng gobyerno ng P100K cash gift ang mga centenarian, kaya't marami ang napataas ang kilay kung bakit ang laang budget para sa kanila ay tinanggal.
Sa totoo lang, ang dapat tanggalin ay budget para sa pork barrel ng mga senador at kongresista at confidential funds ng mga opisyal ng pamahalaan, at hindi ang P100K cash gifts sa mga centenarians.
◘◘◘
TIYAK NA MARAMING TRAPO ANG BABALIMBING, SASAPI SA BAGONG POLITICAL PARTY NI P-BBM—Kumpirmadong kakalas si Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos (P-BBM) sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para magtayo ng sariling political party.
Kapag naitatag na ni P-BBM ang kanyang bagong political party, asahang maraming pulitiko na kasapi ng ibang political party ang maglulundagan para sumapi sa partido ng Pangulo kasi tradisyon na ng mga trapo ang bumalimbing para maging miyembro ng administration ruling party!
◘◘◘
DAPAT BIGYAN NG TANING NI P-BBM ANG KANYANG ECONOMIC TEAM—Sa inilabas na survey ng Pulse Asia, bagsak an
Walang ibang dapat sisihin si P-BBM kundi ang mga miyembro ng Marcos gov't. economic team kasi kung napalago ng mga ito ang ekonomiya ng Pilipinas, tiyak na bababa ang inflation rate, kaya lang bigo sila kaya ang dulot nito ay patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.
Dapat bigyan ng taning ni P-BBM sina Sec. Benjamin Diokno ng Dept. of Finance (DOF), Sec. Arsenio Balisacan ng National Economic Development Administration (NEDA), Sec. Alfredo Pascual ng Dept. of Trade and Industry (DTI) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla para palaguin ang ekonomiya, at kapag nabigo, dapat sibakin na ang mga ito at palitan kasi sa totoo lang ay maraming ekonomista na puwedeng ipalit sa apat na 'yan.





Comments