top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Popularidad ang mahalaga sa mga bobotante

BULGAR
Mar 1, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 1, 2022


MAYOR SARA, ATRAS PA MORE SA DEBATE--Hindi katulad ni P-Duterte ang kanyang anak na si vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte kasi noong 2016 presidential election, lahat ng debate ay buong tapang na hinarap ni P-Duterte, kung saan pinataob niya ang kanyang mga kalaban sa pagka-pangulo.


Pero ngayon, hindi tulad ng kanyang ama, atras sa mga debate si Mayor Sara, boom!


◘◘◘


NANGIBABAW ANG GALING NI WALDEN BELLO SA DEBATE SA PAGKA-VP, PERO ANG PROBLEMA, WALA SIYANG PANALO SA ELEKSIYON--Sa pa-debate ng CNN network, nangibabaw ang galing ni VP candidate, former Akbayan Rep. Walden Bello, talagang taob ang kanyang mga kalaban sa VP race.


Pero ang problema, kahit magaling siya sa debate, dapat tanggapin niya ang katotohanang wala siyang panalo sa VP race kasi hindi siya masyadong kilala, hindi siya popular, period!


◘◘◘


PROBLEMA NG PILIPINAS ANG MGA BOBO-TANTE--Isa sa mga problema ng Pilipinas tuwing eleksiyon ay 'yung mga Pilipino na kung tawagin ay ang mga "bobo-tante" kasi sikat at kilalang pulitiko ang palagi nilang ibinoboto.


'Ika nga, ibinabasura sa eleksiyon ng mga ito ang mga kandidatong hindi pamilyar ang pangalan kahit pa maganda ang layunin nito sa bansa, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page