Pope Francis, pabor sa civil union ng magkaparehong gender na normal na ngayon sa lipunan
- BULGAR

- Oct 25, 2020
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | October 23, 2020
Pabor si Pope Francis sa civil union ng magkaparehong gender.
Malaki ang tama niya riyan!
◘◘◘
Kapag sinabi kasing “civil” ay kakambal nito ang sibilisasyon.
Ibig sabihin, ang relasyon ng dalawang magkapareho ng gender ay likas sa lipunan!
◘◘◘
Sa aktuwal, maraming nagsasama bilang “mag-asawa” ng dalawang magkaparehong sex.
Pero, hindi sila nabibigyan ng proteksiyon ng batas!
◘◘◘
Hiwalay na isyu rito ang doktrina ng relihiyon kung saan lumalabas na isyu—kung ito ay “kasalanan” batay sa doktrina.
Magkahiwalay ang gobyerno at relihiyon.
Ito ang konteksto ng pahayag ni Pope Francis sa paggamit niya ng terminong “civil union”!
◘◘◘
Hindi binanggit ng Santo Papa ang tungkol sa doktrina, bagkus ay tinukoy niya ang “karapatang-sibil” ng “mag-asawang pareho ang kasarian”.
Malinaw ngayon—na pinahihintulutan ng Simbahang-Katolika ang civil union!
Kung ito ay bibigyan ng bendisyon bilang kasama sa “bagong doktrina” ng Simbahang Katoliko ay hindi pa malinaw!
◘◘◘
Nais ng Santo Papa na igalang ang “humanidad” o ang paggalang sa existence ng tao—sa isang modernong lipunan.
Ang paggalang sa existence ng tao o karapatang mabuhay nang maayos at matiwasay ay ikinakapit sa tinatawag na “human rights”!
◘◘◘
Dapat iwasan ang paggamit ng katagang “human rights” dahil may negatibong konotasyon ito na isiniksik ng mga nais magpabagsak sa gobyerno.
Ang “human rights” na binabanggit ay ginasgas ng mga grupo—sa ibang bansa at sa Pilipinas upang sirain ang katatagan ng umiiral ng pamahalaan!
◘◘◘
Mas dapat gamitin dito ay humanidad o paggalang sa pagiging “tao” ng tao.
Sa mga Tagalog, may angkop na kataga para rito—“makatao” o “magpakatao”!
◘◘◘
Karaniwang nagkakaroon ng problema sa hatian ng pundar o pag-aari ang mag-asawang may parehong kasarian.
Hindi binibiyaan ng batas ang “conjugal property” ng mag-asawang pareho ang kasarian.
Pero, kapag may civil union sa mag-asawang may parehong kasarian—ang conjugal property ay maaaring iangkop sa kanilang dalawa.
‘Yan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng civil union!
◘◘◘
Ang mga bata na inampon o pinakalaki at inaruga ng mag-asawang may parehong kasarian ay nagpapakakaitan din ng karapatan sa pagmamanana.
Malaking isyu rin dito ang “social benefits”!
◘◘◘
Hindi nakatatanggap ng benepisyo ng pensiyon ang mga naulila ng “isa” sa mag-asawang may magkaparehong kasarian.
Dahil d’yan, dapat talagang magkaroon ng civil union ang dalawang nagsasama na may parehong kasarian!




Comments