top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pop Princess, after magpakasal kay Matteo… RESTO NI SARAH, MADIR PA RIN ANG NAMAMAHALA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2021
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | February 3, 2021





Mag-iisang taon na ang controversial secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. And so far, walang lumabas na balitang hindi okey ang mag-asawa.


But what about ang ina ni Sarah na si Mommy Divine, kumusta na kaya siya?


Matatandaan na naging controversial ang wedding nina Sarah at Matteo last February 20, 2020 dahil isinikreto nila ito kay Mommy Divine.


Too late nu'ng madiskubre ni Mommy Divine na "naitanan" na ni Matteo si Sarah. Kasal na ang dalawa at wala nang karapatan ang ina sa anak.


Nataon na sumabay sa pagdadalamhati ni Mommy Divine ang covid pandemic. Kung nakatulong o hindi ang pandemya sa ina ni Sarah sa gitna ng kanyang nararamdaman against the couple, tanging siya lang ang nakakaalam.


But wait, may narinig kaming tsika na hindi naman nagpaka-"mongha" si Mommy Divine. 'Yung tipong nagkulong na lang sa bahay at itinigil ang ikot ng kanyang buhay.


Naging busy daw si Mommy Divine sa family business nila kahit may pandemic at hanggang ngayon.


Ang tinutukoy natin na family business nina Mommy Divine ay ang The Geronimo's Cafe and Restaurant na nakatayo sa Mindanao Avenue.


We heard tuloy ang operation ng kanilang business at bukas ang restaurant para sa kanilang dine-in customers.


Last year, sinimulan nilang mag-operate by taking orders for takeout and deliveries. Ngayon, may takeout na, may dine-in pa.


Sa kabisihan ni Mommy Divine sa kanyang restaurant, wala nga naman siyang panahon na magmukmok at magpakalunod sa galit kay Sarah.


Hindi lang si Mommy Divine ang nagma-manage ng resto, siya rin mismo ang nagpi-prepare at nagluluto ng ilan sa mga pagkain dito.


In fairness, masarap ang mga lutong pagkain ni Mommy Divine. Nakatikim kasi kami ng ilan sa mga iniluluto niya kapag nagdadala noon sa taping ng show ni Sarah sa ABS-CBN.


Ang nakakatuwa pa kay Mommy Divine, nabalitaan naming isa ring certified plantita ang ina ni Sarah, ha? May mga tanim daw na organic plants si Mommy Divine sa kanyang garden at dito raw kumukuha ng ibang ingredients sa mga pagkain na isine-serve sa kanilang restaurant.


'Yan si Mommy Divine, madiskarteng ina!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page