Pondohan ang mga ospital, ipagpaliban ang media hub
- BULGAR
- Sep 19, 2021
- 2 min read
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 19, 2021
Sa gitna ng kakulangan ng kapasidad ng mga healthcare facilities natin dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19 at budget cut sa maraming ospital, maling may mga “big-ticket” construction projects para sa mga hindi naman pressing priority. We should be building hospitals, not media hubs.
☻☻☻
Patuloy tayo sa pagsusuri ng panukalang 2022 national budget, at ang kahandaan ng pamahalaan upang tugunan ang COVID-19 pandemic.
Isa sa ating napansin ay ang proposal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na magtayo ng media hub sa kabila ng budget cuts sa mga ospital sa iba’t ibang panig ng bansa.
Humihingi ang PCOO ng P200 milyon upang maipatayo ang Visayas Media Hub sa Mandaue, Cebu.
Noong Disyembre ay inilunsad naman ng ahensiya ang Mindanao Media Hub, kung saan P340 milyon ang ginamit sa konstruksiyon, habang P408 milyon ang ginasta para sa kagamitan.
☻☻☻
Habang naiintiindihan natin na ito ay big ticket project ng PCOO, ito ba ay essential o kinakailangan sa pangkalahatang laban kontra COVID-19?
Sa kabilang banda ay paghahatian naman ng 76 public hospital ang P157 bilyong nakalaan sa ilalim ng budget ng Kalihim ng DOH kung saan ito nakalista.
Kabilang sa mga mabawawasan ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay ang Philippine Children’s Medical Center (P891 milyon ang bawas), at ang Philippine General Hospital (P130 milyon ang tapyas).
Nabanggit na rin natin sa ibang panayam ang P170 milyong budget cut ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), na COVID testing center.
☻☻☻
Iminungkahi nating ipagpaliban muna ang proyekto hanggang sa maging under control na ang pandemya.
Hindi natin minamaliit ang mga hub, ngunit mas kinakailangan nating laanan ng mas maraming pondo sa kasalukuyan ang laban kontra sa COVID-19. Ang kalusugan at kabuhayan ng ating mga kababayan ang dapat nating number one priority.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments