top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Pondo sa eleksyon.. Kandidato, buking sa kidnap-holdap

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2023
  • 1 min read

ni BRT @News | September 14, 2023






Timbog ang isang kandidato sa Barangay elections sa Biñan City, Laguna makaraang masangkot sa kidnapping at panghoholdap.

Batay sa imbestigasyon, lumilikom umano ng pondo para sa eleksyon ang nahuling kandidato kaya nagawa ang krimen.

Una nang pinasok ng suspek kasama ang iba pang salarin ang isang hotel sa Bgy. San Antonio at dinukot ang biktimang negosyante at kasama nito.

Nagpakilala umanong pulis ang mga suspek at may dala pang mga ilegal na droga para taniman at takutin ang kanilang biktima. Aabot umano sa P1.8 milyon na halaga ng

pera, alahas, at gadget ang natangay sa mga biktima na iniwan din sa isang lugar.


Agad namang naitawag ng hotel staff sa Biñan PNP ang insidente at nagulat umano sila dahil wala namang police operation nu'ng mga oras na 'yun.

Kabilang sa mga suspek sina Arvin Ryan Alora, kandidato sa Barangay elections, at Art Berroya na positibong kinilala ng mga biktima.


"Tingin natin at according du'n sa kanilang chat, siguro ito para makatulong sa pagtakbo nitong tumatakbong kagawad na ito dahil kailangan niya ng pera, according du'n sa usapan at tinitira lang nila mga bigtime," ani Col. Virgilio Jopia, hepe ng Biñan police.


Aminado si Alora na kasama sa grupo pero itinanggi niyang siya ang lider nito at para sa pondo ngayong eleksyon ang motibo sa krimen. Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Berroya.


Samantala, patuloy na pinaghahanap ang iba pang kasabwat ng mga suspek



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page