top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Police power kontra mga korup

BULGAR
Jun 13, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 13, 2022


POLICE POWER PARA KULONG AGAD ANG MGA KURAKOT--Matapos hatulan ng Sandiganbayan si Surigao del Sur Congressman Prospero Pichay ng 18-years na pagkakakulong dahil sa kasong P780-M scam sa Local Water Utilities Administration (LWUA), hinatulan din ng Sandiganbayan sina former Mayor Angel Peliglorio ng Mariveles, Bataas at businessman Cedric Lee ng 12-years pagkabilanggo dahil umano sa P23.47-M malversation of public funds.


Ang problema, kahit sentensyado na sila, dahil malakas ang impluwensya nila sa pamahalaan ay walang law enforcement agency na umaaresto sa kanila para sila'y ikulong.


Dapat yata may gumawa ng batas na magbibigay ng police power sa Sandiganbayan para ang mga kurakot na hinahatulan nito ay awtomatik na darakpin para ikulong sa selda, period!


◘◘◘


DAMING SABLAY NG DUTERTE GOV'T. PERO ANG MGA PANATIKONG DDS, BILIB PA RIN KAY P-DUTERTE--Nabigo si P-Duterte na puksain ang sindikato ng ilegal na droga sa bansa; nabigo rin siya na labanan ang korupsiyon kasi mas dumami ang mga kurakot; nabigo rin siya na labanan ang kriminalidad dahil mas dumami ang mga kriminal; sablay ang tugon sa pandemya kaya maraming namatay sa virus; marami ring nawalan ng work at ang pinakamatindi, binaon pa sa utang ang Pilipinas.


Sa kabila ng mga kapalpakang 'yan ng Duterte gov't., ang mga panatikong DDS ay bilib na bilib sa pagiging pangulo ni P-Duterte.


Kunsabagay, ganyan talaga ang mga panatiko, kaya nga sila binabansagang panatiko kasi kahit palpak na ang mga ginawa ng kanilang "idol" ay bilib pa rin sila, boom!


◘◘◘


HINUHULI ANG MGA TIWALING OPISYAL NG GOBYERNO SA JAPAN AT VIETNAM, PERO SA 'PINAS, BINEBEYBI PA--Dinakip ng Japanese police si Tokyo tax official Kohei Tsukamoto noong June 2, 2022 dahil sa pagkakasangkot sa COVID-19 subsidy fund scam at noong June 9, 2022 ay inaresto naman ng Vietnam police sina Vietnam Health Minister Nguyen Thanh Long at Hanoi Mayor Chu Ngoc Anh dahil naman sa pagkakasangkot sa COVID-19 test kits scam.


'Yan ang Japan at Vietnam, walang sinasanto, na kapag ang kanilang mga opisyal ay nakagawa ng katiwalian, agad na inaaresto at ikinukulong, pero sa Pilipinas, ang mga tiwali ay binebeybi pa, tulad na lang nang ginawang pagtatanggol ni P-Duterte sa mga opisyal ng Procurement Service-Dept. of Budget and Management at Pharmally executives na sumabit sa P12-B COVID-19 medical supplies, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page