Pole vaulter Obiena, may pabuya na P1.5-M
ni MC / VA - @Sports | September 17, 2021

Nakatakdang bigyan ng pabuya ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pole vaulter na si EJ Obiena ng reward na P1.5 milyon dahil sa ginawa nitong pagbura sa 23-taong Asian record sa pole vault noong nakaraang Sabado-Setyembre 11 Austria, araw naman ng Linggo dito sa Manila. Ayon kay PSC chairman William "Butch" Ramirez, hinihintay lamang nila ang endorsement ng Philippine Athletics Track and Field Association's (PATAFA) sa mga dokumento na galing sa nasabing international competition na sasailalim pa sa evaluation ng PSC national sports association affairs bago i-release ang reward ni Obiena. Ayon sa Section 8 ng Republic Act 10699 na mas kilala bilang National Athletes, Coaches, and Trainers Benefits and Incentives Act of 2001, “ ang mga national athletes at iba pang mga athletes na makakalagpas sa Philippine record o ranking sa anumang measurable international sports competition ay bibigyan ng cash incentives na itatakda ng PSC.” Natalon ni Obiena ang taas na 5.93 meters upang mabura ang dating Asian record na 5.92 meters na itinala ni Igor Potapovich ng Kazakhstan noong Pebrero 19, 1998 sa 2021 Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria. Nagawa niya ito dalawang linggo matapos niyang burahin ang kanyang hawak na national record na 5.91 meters sa Paris Diamond League. Sa kasalukuyan, si Obiena ay no.5 na sa world ranking makaraang pumang-apat sa nakaraang Diamond League.





Comments