top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pogoy at Khobuntin ng TNT, umariba sa Game 1

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 4, 2022



Madaling pinulutan ng TNT Tropang Giga ang napanis na Magnolia Timplados Hotshots ng papakin ito sa bisa ng 108-96, Miyerkules ng hapon, sa Game 1 ng best-of-three semifinals ng 47th PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.


Bumuhos ng matinding atake sa simula ng laro si Mikee Williams na tumapos ng 26pts, 5 rebounds, 4 assists at 1 steal mula sa 7-of-14 field goals at 4-of-8 sa tres upang pamunuan ang pagratsada ng Tropang Giga sa rematch ng 2021 All-Filipino championships na pinagharian din ng TNT sa loob lamang ng limang laro.


Sumuporta rin sa puntusan si Roger Pogoy na may 23pts, 5 assists, 3 boards, 2 steals at 1 block, habang bumanat sa bench si Glen Khobuntin sa 18pts at 7 rebs, gayundin si Jayson Castro sa 12pts, 5 rebs at 5 assts.


Maagang umariba ng atake ang TNT sa first period mula sa 12-3 iskor sa lay-up ni Kelly Williams, hanggang sa madala nila ito sa 10-pt lead sa free throws ni Kib Montalbo sa 15-5 at napanatili na ito sa 28-19 sa pagtatapos ng first period.


Uminit naman ng husto ang 30-anyos na Fil-American scoring guard ng bumuhos ng todo sa second period sa 12 puntos upang dalhin sa 54-37 sa pagtatapos ng first half mula sa tres ni Williams.


Binitbit pa sa 24-puntos na kalamangan ng Tropang Giga sa third period mula sa lay-up ni Castro na tinapos sa 20-pt lead pagpasok ng final canto sa 86-66.


Sinubukan pa ng Hotshots na maghabol at ibaba sa 13 ang kalamangan ng TNT sa sunod-sunod na kamada ni Jio Jalalon. Subalit hindi pa rin umubra ang ginawang mga atake dahil napanatili ng TNT ang malaking momentum sa laro upang masungkit ang first blood sa mahabang serye. Muling maghaharap ang dalawang koponan bukas sa ikalawang laro para sa Game 2.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page