top of page

POGO, ‘di masasawata, kahit sino ang maupo sa Malacañang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2024
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | June 26, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Gumigire na ang 2025 election.

Kailangan ang POGO para badyet sa kampanya.


He-he-he.


----$$$--


TULAD sa jueteng ang POGO ay isang iskema.

Hindi lang ito pinatatakbo ng mga gambling lords.


Bagkus, gaya ng jueteng, nakabaon ito sa sistema at iskema.


----$$$--


HINDI indibidwal, hindi personalidad at hindi tao ang nagbibigay buhay sa gambling at iba pang ilegalidad.


Isang iskema ito at kahit sino ang maupo sa Malacañang, hindi iyan masasawata.


-----$$$--


MGA piyon o tauhan lang sa isang malaking eksena ang mga protector kuno.

Kahit ipakulong mo ‘yan, gaya sa illegal drugs — kahit imasaker mo ‘yan — mananatili ang operasyon.


Kumbaga, ang mga bagong may hawak sa poder — ay hindi makakaiwas sa iisang bulong: May tuhandred ka r’yan!


-----$$$--


KUNG totoo ang binabanggit ng isang senador at ngayon ay sinisiyasat ng Korte Suprema, kasabwat sa scam — ang ilang huwes o prosekyutor — paano mo mareresolba ‘yan?


Parang istorya ng aswang ‘yan, matapos sunugin sa huling bahagi ng pelikula ang bangkay, biglang may lulundag na pusang itim!


-----$$$---


HINDI lang ito problema sa Pilipinas o hindi kahinaan ng lider ng bansa ang problema sa ilegalidad — buong mundo ‘yan.


Ang mithiin lamang talaga — bawasan ang masamang epekto ng ilegalidad.


-----$$$--


KAPAG gumagrabe ang ilegalidad, babagsak ang moralidad ng lipunan o mismong populasyon.


Sa isang low intensity warfare, lihim na binababoy o winawasak ang moralidad ng isang lipunan.


Kapag wasak ang moralidad ng isang nasyon, kusang guguho ang gobyerno — didiktahan ito ng malalaking bansa.


-----$$$--


ISANG paham o mala-Haring Solomon ang kailangan ng isang lipunan at gobyerno.

Tinatangka ito madalas, pero ang Haring Solomon na naihahalal nila ay iisa ang karakter na nakopya sa kanya: Hindi ang talino, bagkus ay ang pagiging maraming asawa.


Ha-ha-ha!


-----$$$--


PAGKAKAROON ng ganap at malinaw na ideolohiya ang susi sa pagbabago.

Ang problema, ang ideolohiya ay hindi nauunawaan ng mismong nagbubunsod nito.

Gaya sa artificial intelligence, walang orihinal ang nagsusulong ng ideolohiya, bagkus ay teknikal na kinokopya nila ang ideolohiya na ginamit sa ibang bansa.


----$$$--


KAHIT ang sistema o iskema ng edukasyon — ay alam na nating kinopya lang sa sinaunang Europe — at higit nang 2,000 taon itong ginagamit.

Nalipasan na ito ng panahon dahil sa modernism, pero ‘yan pa rin ang niyayakap sa buong mundo.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page