top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

PNR, extended ang operating hours

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 30, 2022



Pinalawig ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang operating hours sa mga ruta sa Metro Manila bilang antisipasyon sa holiday rush.


Sa extended operating hours ng PNR, aalis ang first train ng Tutuban ng alas-4:11 ng madaling-araw, habang ang last train ay aalis naman ng Tutuban ng alas-9:16 ng gabi.


May karagdagang train trips na rin ang PNR: Tutuban patungong San Pedro, 8:16PM; San Pedro patungong Tutuban, 4:50AM; Sucat patungong Tutuban, 5:01AM.


Ayon sa PNR, tinatayang nasa 44 hanggang 50 ang kanilang daily trips habang madadagdagan ito ng 55 hanggang 60 dahil sa extended operating hours.


Nakapag-record na rin ang PNR ng 17% pagtaas sa ridership boarding sa Tutuban station sa panahon ng holiday season noong 2019.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page