top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

PNP officials na sangkot sa droga, unahin sa drug war

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 20, 2023
1 min read

@Editorial | April 20, 2023



Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na patuloy ang ginagawang internal review sa hanay ng Philippine National Police (PNP).


Layon nitong matukoy ang mga pulis na nasa drug list.


Kasabay nito ang pahayag na dahan-dahan ang ginagawang pagtukoy at hindi umano base sa tsismis. Bagay na dapat naman para maging patas sa ibang pulis na may konsensya at nananatiling tapat sa tungkulin.


Marahil ay nakita na ng Pangulo na hindi simple ang problema sa ilegal na droga at talagang mapapalaban siya, lalo na kung ang mga sangkot ay mga opisyal pa.


Makalipas ang dalawang linggo o sa mga susunod na araw, magkakaalaman kung sino ang mga salot at abusado sa kapulisan.


Nakapanlulumo na ang inaasahan nating kakampi ng gobyerno at taumbayan ay sila pa pala ang sumisira sa ating kinabukasan.


Dapat nang mabuwag ang bulok na sistema.


Anumang kalakaran na mali at masama, hindi dapat ginagawa at lalong ‘di ipinapasa sa mga bagong pulis.


Maiwasan na sana ang sablay na pag-iisip na kesyo ganu’n ang inabot na sistema ay itutuloy lang.


Ang mali ay mali, ang mga nagmalabis at nang-abuso, dapat mapanagot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page