Piyansa, pag-aaralan pa — Sandiganbayan... Bong, kulong pa rin
- BULGAR

- Jun 6
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 6, 2026

Photo: File / Circulated
Humiling ang 3rd Division ng Sandiganbayan ng karagdagang 30 araw upang suriing maigi ang inihaing petisyon para sa piyansa ni dating Senador Ramon 'Bong' Revilla Jr.
Ang nasabing kahilingan ay ginawa sa mismong araw na magtapos ang unang 30-araw na palugit na itinakda ng korte para repasuhin ang mga rekord at ebidensya kaugnay ng kaso.
Ipinaliwanag ng 3rd Division na sa halip na agad maglabas ng desisyon ay kinakailangan pa nito ng karagdagang panahon upang lubusang mapag-aralan ang mga dokumento at iba pang mahahalagang detalye bago magpasya sa kahilingan ni Revilla.
Dagdag pa ng korte na ang petisyon para sa piyansa ay mahalagang bahagi ng proseso ng paglilitis, lalo na sa mga kasong may mabibigat na uri ng akusasyon.
Sa ilalim ng batas, kinakailangang timbangin ng korte ang malakas na ebidensiyang iniharap ng prosekusyon upang matukoy kung may sapat na batayan para pagkalooban o tanggihan ang kahilingan sa piyansa ng akusado.





Comments