top of page

PITX, nakapagtala ng 218K pasahero

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | Dec. 22, 2024



Photo: PITX.PH


Umabot sa 218,000 katao ang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Sabado para makabiyahe bago ang Pasko—ang pinakamataas na bilang ng pasahero sa kasaysayan ng terminal.


Ayon kay Kolyn Calbasa, corporate affairs officer ng PITX, inaasahan pa nilang dadami ang mga pasahero sa Linggo at Lunes habang papalapit ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa kani-kanilang mga probinsya.


Dahil sa dagsa ng mga pasahero, nagdagdag ang PITX ng mga karagdagang biyahe ng bus, partikular para sa mga biyaheng patungong Bicol, ayon kay Calbasa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page