top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Pitong Ulirang Guro sa Filipino, pararangalan ng KWF

  • BULGAR
  • Sep 26, 2022
  • 1 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 26, 2022


Hello, Bulgarians! Pararangalan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pitong guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa bilang Ulirang Guro sa Filipino. Sa taong ito, dalawang guro sa elementarya ang pararangalan, sina Warren A. Norberte ng Lungsod Butuan SPED Center at Gladys M. Jovellano ng Bagacay Elementary School.


Dalawang guro rin ang nagwagi mula sa sekondarya, sina Alma T. Bautista ng Santos Ventura National High School at Christina D. Macascas ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Tatlo naman ang mula sa kolehiyo, sina Lita A. Bacalla at Rowena C. Largo na parehong nagmula sa Cebu Normal University, at Alvin Rom De Mesa ng Leyte Normal University.


Ang Ulirang Guro sa Filipino ay taunang gawad na ipinagkakaloob ng KWF sa mga gurong nakapag-ambag sa pagpapalaganap at promosyon ng wikang Filipino at/o mga wikang katutubo ng Pilipinas at kultura sa larangan ng pagtuturo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pananaliksik, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na gawain.


Gaganapin ang Araw ng Parangal sa 4 Oktubre 2022. 10:00 sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Maynila. Mapapanood din ito nang live sa Facebook page ng KWF.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page