2 medalya sa Dakar YOG, best performance sa SEAG Youth

by MC @Sports News | November 14, 2026

Photo: Nagtapos sa 6th place si Jade Justine Justiniane sa windsurfing sa Saly Beach West sa Dakar 2026 Youth Olympic Games nitong Huwebes habang ikinatuwa naman ni POC President Abraham 'Bambol' Tolentino ang 2 medalya na nasungkit ng 'Pinas sa Dakar YOG. (POCMedia)
Nagtala ng pinakamahusay na performance sa 4th edition ng Youth Olympic Games (YOG) na nagtapos na sa YOG Athletes Village sa Diamniadio mula sa medalyang pilak na napanalunan sina Naomi Marjorie Cesar at Pi Durden Forward Wangkay sa athletics.
Para kay Abraham Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), ang 14-araw na kampanya sa Senegal ay isang tagumpay. "Best performance ang 2 medalyang nakuha," sabi ni Tolentino. "Mataas ang antas ng kompetisyon sa YOG, ang mga batang atleta mula sa mga makapangyarihang bansa ay tinapatan din ng mga Filipino."
Nahigitan ng pilak ni Cesar at tanso ni Wangkay ang pilak na napanalunan ni Christian Tio sa twin-tip racing ng kiteboarding ng mga lalaki sa 2018 Buenos Aires Games, maging ang ginto ni Luis Gabriel Moreno kay Li Jiaman ng Tsina sa mixed NOC sa archery sa Nanjing 2014 ay hindi opisyal na binilang.
"Kailangan natin ng mas maraming programa sa grassroots," sabi ni Tolentino at aniya hahanap pa ng mga heritage athletes upang maglaro para sa 'Pinas.
Pagkatapos ay nariyan ang SEA Games Youth Plus, ideya ni Tolentino na idaraos sa Disyembre sa Pilipinas 2027 na tampok ang 23 sports na lalaruin sa Maynila, Pasig, Tagaytay at Subic mula Dis. 2- 14, 2027.
Nanguna ang Tsina sa karera ng medalya na may 17 ginto, 8 pilak at 7 tanso, kasunod ang Japan (10-8-9) at ang Russian Federation (8-4-2) sa YOG.





Comments