Pisngi ng flower ng aktres, nag-hello sa suot na bikini, Marian… DINGDONG, PINAG-IINGAT KAY MAX COLLINS
- BULGAR

- Jan 17
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 17, 2026

Photo: IG @maxcollinsofficial
Trending sa Facebook ang video at mga na-screenshot na photos ni Max Collins sa ipinost niyang teaser para sa bagong show na pagbibidahan ni Dingdong Dantes sa GMA-7, ang Master Cutter, kung saan isa si Max sa mga leading ladies.
Sa naturang video, makikitang sumasayaw nang super-sexy si Max (pantapat sa Marimar moves ni Marian Rivera?), pero ang mas nakapagpa-hot ng kanyang dating ay ang suot niyang white spaghetti-strapped bilang pang-itaas at blue skinny bikini na sa konting galaw ay naghe-hello na ang magkabilang pisngi ng langit.
May mga pilyong netizens na nag-screenshot ng video ni Max at nang maging photo na, hala, izinoom-in pa para mas maging kapansin-pansin ang tinatakpan ng bikini ni Max Collins.
Inulan tuloy ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang Kapuso actress. May mga nagsabing sobrang hot si Max at tinatalbugan niya ang init ng panahon sa beach.
Isa sa mga ‘kaaliw na comments na nabasa namin ay… “Parang ako ‘yung kinakabahan para kay Max,” habang itinabi sa piktyur niya ang larawan ni Dingdong na super-hot at ang guwapu-guwapo rin.
May nagsabi pang, “Ingat Max, baka ikulong ka sa CR,” at “Baka ma-lock ka sa CR,” na siyempre pa, sino ba’ng makakalimot sa isyung ito na kinasangkutan noon nina Marian Rivera at Bela Padilla dahil sa selos ng una sa huli nang gumawa ng serye dati sina Bela at Dingdong.
May mga nagbabala rin kay Dingdong na ‘wag masyadong makipag-close kay Max at baka hindi mapigilan ang sarili at makalimot na may Marian na siya dahil sa sobrang hot ng leading lady.
Pero may nagsabi namang ni-like ni Marian ang post ni Max kaya naniniwala silang hindi ito magseselos sa seksing Kapuso actress.
Well… dahil sa pasabog na ‘yan ni Max Collins, in fairness, umingay agad ang bagong show ni Dingdong Dantes at for sure, may mga nag-aabang na kung may intimate scenes ang dalawa sa Master Cutter.
Ex, huminto ang paghinga…
ROBIN, HUMIHINGI NG DASAL PARA KAY KRIS
HINDI man nagkatuluyan, nanatiling friends sina Sen. Robin Padilla at Kris Aquino at concerned pa rin ang aktor-pulitiko sa nanay nina Joshua at Bimby Aquino-Yap.
Kaya naman sa kanyang Facebook page, ini-repost ni Sen. Robin ang isang balita sa social media kung saan makikitang nakahiga sa operating table si Kris at ang inilagay niyang caption ay: “Patuloy natin ipagdasal ang kaligtasan ni Ms. Kris Aquino.”
Kasunod nga ito ng kuwento-post ni Kris sa kanyang Instagram account na nu’ng sumailalim siya sa minor operation ilang araw pa lang ang nakararaan, tumigil nang 2 minuto ang kanyang paghinga dahil hindi nag-function ang kanyang lungs.
Pero dahil malakas talaga si Kris kay Lord at maraming nagdarasal para sa kanyang kaligtasan at paggaling, kahit pa ang dami nang pinagdaanang hirap ng TV host, muli siyang naka-survive para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Sana lahat ng mag-ex, ganyan ang ending — love, love, love pa rin at hindi bitter sa isa’t isa, ‘no?!
Sana all na lang talaga!



Comments