Pirates at UPHSD sa solong segunda, first win sa JRU
- BULGAR
- Mar 17, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | March 17, 2023

Agawan para sa solong 2nd place ang haharapin ng Lyceum of the Philippines University Lady Pirates at University of Perpetual Help Dalta System Lady Altas, habang maghahanap ng unang panalo ang Jose Rizal University Lady Bombers ng unang panalo kontra Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa nalalapit na pagtatapos ng eliminasyon ng single-round eliminasyon ng 98th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament ngayong araw sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.
Hawak ng Perpetual Lady Altas ang 6-1 kartada, habang nakatabla ang Lyceum Lady Pirates sa 6-2 marka kasama ang Mapua University Lady Cardinals, puntirya ng dalawang koponan na makuha ang pagkakahawak sa ikalawang puwesto, kung saan napipintong mawalis ng defending champions De La Salle-College of Saint Benilde Lady Blazers muli ang komperensiya mula sa 8-0 rekord.
Magbabanggaan ang Lady Altas at Lady Pirates sa alas-12:00 ng tanghali matapos ang paghaharap ng kanilang men’s squad sa 9 a.m. Susundan sa ikatlong laro ang bombahan ng Lady Bombers at Lady Generals ng 2 p.m. na tatapusin ng men’s team ng parehong koponan sa 4:30 p.m. para kumpletuhin ang quadruple-header na mga laro.
Parehong nanggaling sa panalo ang Lady Altas at Lady Pirates kontra Colegio de San Juan de Letran Lady Knights. Naunang tinalo ng Lady Altas ang Lady Knights nitong Linggo sa bisa ng 25-23, 25-21, 30-32, 25-19 matapos ang pambihirang laro ni super-rookie Shaira Omipon na nag-ipon ng 24 puntos katulong ang beteranong si Mary Rhose Dapol sa 20 puntos.
Samantala, patuloy na bokya sa panalo ang last season Final Four-member na JRU Lady Bombers na pilit hinahanapan ng mabisang pampasabog sa kombinasyon ni coach Mia Tioseco mula kina Mary May Ruiz, Riza Rose, Sydney Niegos, Malley Amante at Jerry Lyn Laurente.








Comments