Piolo, Kyle, Niana, AC, Alexa, Maja, etc., nanood din… ANNE, NAGKANDARAPA SA PAGTAKBO MAPANOOD LANG ANG BINI SA COACHELLA
- BULGAR

- 19 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 19, 2026

Photo: FB Anne Curtis
Sinugod ng mga Pinoy celebrities na nasa United States (US) ang BINI sa kanilang performance sa second weekend ng Coachella music festival.
Una na riyan si Anne Curtis na nasa US para um-attend sa event ng Tiffany & Co. Blue Book Gala. Right after ng event ni Anne ay dumiretso na siya sa Mojave kung saan nag-perform ang BINI.
Ipinost ni Anne sa kanyang IG Story ang short video ng pagpunta niya sa Coachella para magpakita ng suporta sa tinaguriang Nation’s Girl Group.
Wala raw care si Anne kahit nagkakandarapa siya sa pagtakbo papuntang Mojave para mapanood ang BINI.
Sey ni Anne, “So proud of my bb (baby) girls. Literally sprinted 3 km just to make it straight from NYC.”
Bukod kay Anne, nanood din sina Piolo Pascual, Kyle Echarri, Niana Guerrero, AC Bonifacio, Alexa Ilacad, Maja Salvador at ang hubby nitong si Rambo Nuñez, at ang president and (Chief Executive Officer) CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.
Nag-post naman sa socmed sina Bianca Gonzalez-Intal at Agot Isidro kung gaano sila ka-proud sa performance ng BINI sa Coachella.
Comment ni Agot, “Second time onstage, still fresh! Mabuhay kayoooo!”
Post ni Bianca, “Love that BINI greeted the Coachella crowd in our different dialects, then ended with a huge Philippine flag on stage. Maraming salamat!”
‘Yan ang bongga! Congratulations, BINI!
PRESENT si Kaila Estrada sa isang espesyal na okasyon sa pamilya ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.
Nakisaya si Kaila sa gender reveal party ng second baby ni JC Padilla, kapatid ni Daniel, at misis niya na si Thalia Valdivia.
Bilang guests, nag-bet din sina Daniel at Kaila kung ano ang gender ng ipinagbubuntis ng misis ni JC.
Magkasalungat ang gender na pinili ng magdyowa, pero si Daniel ang may tamang sagot sa gender ng pangalawa niyang pamangkin. And it’s a boy!
Present ang iba pang kapatid ni Daniel sa gender reveal party. Nandoon ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2 Big Winner na si Lella Ford at ang kanyang mga friends.
Parang sa bagong bahay ni Karla sa Ayala, Alabang ginanap ang party. Parehong nasa South area rin ang bahay ni Kaila at ng mommy niyang si Janice de Belen.
Samantala, ayon sa aming source, wala pa ring bumibili ng old house ni Karla sa Kyusi. ‘Yung bahay lang daw ni Karla ang ibinebenta at hindi kasama ang sariling balur ni Daniel.
Magkatabi lang ang bahay ni Daniel at ng Mommy Karla niya, pero ipinasemento na raw ang ‘butas’ na nag-uugnay sa dalawang bahay.
Siyempre naman, dahil iba na ang titira sa old house ni Karla Estrada, kaya hindi na puwedeng bukas ang lagusan sa dalawang bahay, ‘di ba?




Comments