top of page
Imee Marcos - FB.jpg

Pinsan, tablado... PBBM: Patung-patong na kaso vs. Romualdez

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 28, 2026



Bongbong Marcos at Martin Romualdez - FB

Photo: SONA / Bongbong Marcos at Martin Romualdez - FB



Direktang pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez sa unang bahagi ng kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na tumalakay sa umano’y flood control anomalies.


Sinabi ng Pangulo na batay sa naging findings ng Office of the Ombudsman, posibleng maharap si Romualdez sa maraming kaso kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa flood control projects.


“Lahat ng kailangang gawin ay ginawa natin upang matunton ang puno’t dulo. Mayroon nang mga unang nakasuhan at nakulong: mga kontratista; matataas na opisyal; pati na mga mambabatas.


“At dumating na tayo sa punto na ayon sa Ombudsman ay malapit na ang paghain ng patung-patong na kaso laban sa dating Speaker. Masakit man sa akin ito ngunit kailangan nating gawin ang tama,” wika ni Marcos.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page