Pinoy na walang trabaho, dumami

by Jeff Tumbado @News | September 9, 2026

Photo: File
Sumirit sa 6% nitong Hulyo 2026 ang unemployment rate sa bansa, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, Setyembre 8.
Ayon sa ulat ng PSA, mas mataas ito kung ikukumpara sa talang 5.3% noong Hulyo 2025; gayundin sa 4.7% nitong Abril 2026.
Anang ahensya, ang 6.0% unemployment rate nitong Hulyo 2026 ay katumbas ng 3.14 milyong Pinoy na walang trabaho; mas mataas sa 2.59 milyon noong Hulyo 2025, pati na rin sa 2.41 milyon noong Abril 2026.
Sa kabila ng pagtaas ng unemployment rate, dumami sa 49.21 milyon ang may trabaho mula 46.05 milyon noong Hulyo 2025, habang bumaba sa 94.0 porsyento ang employment rate mula 94.7 porsyento.





Comments