Pinoy na hostage ng Hamas, sumailalim sa medical tests

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 25, 2023

Kasalukuyang sumasailalim sa medical tests ang Pinoy hostage na pinalaya ng Hamas.
Ayon sa Israeli Embassy, kasalukuyang nasa Shamir Medical Center sa Israel si Jimmy Pacheco, para sa medical support at upang tiyakin na mabuti ang kanyang kalagayan.
Dinala siya doon matapos siyang palayain ng Hamas at salubungin ng mga mataas na kinatawan ng Israeli Foreign Ministry at Philippine Ambassador to Israel na si Junie Laylo.
"Our thoughts and prayers remain for the safe release of the 200+ hostages still held in captivity by the terror organization Hamas," pahayag ng embahada.
Isa si Pacheco sa 24 na mga hostage na unang pinalaya ng Hamas matapos ang isang humanitaryong tigil-putukan sa pagitan ng mga militante at ng Israel.





Comments