top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pinoy, mas wais na vs. online scam

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2024
1 min read

@Editorial | Pebrero 19, 2024


Tila hindi na madaling maloloko ang mga Pinoy ngayon lalo na sa mga nakikita online, bagay na ipinagmamalaki ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (ACG).


Naging malaking tulong umano ang paglalagay ng mga ACG offices sa mga rehiyon, lalawigan at distrito, pati na ang pagkakaroon ng cybercrime desk sa mga istasyon ng pulisya.


Dahil dito, bumaba ng 40 porsyento ang kaso ng online scam ngayong Enero.


Sana ay magtuluy-tuloy ang pakikipaglaban kontra online scammers dahil nagkalat pa rin ang mga ito at nagiging mas madiskarte.


Kaugnay nito, tiniyak naman na nagpapatuloy ang pagsasailalim ng mga PNP personnel sa mga pagsasanay at mga seminars para alam nila kung ano ang gagawin sa isang kaso.


Gayunman, tuluyan lang itong masusugpo kung makikipagkooperasyon tayo sa mga otoridad sa pamamagitan ng pagsusumbong laban sa mga insidente ng scam upang agad itong maaksyunan.


Paalala lang na panatilihin din nating alerto ang ating sarili sa pagkikipag-usap sa mga hindi natin kakilala, lalo na sa online.


Malaking tulong din kung tuturuan natin ang mga sarili na lumayo sa pagiging biktima ng mga online scam.


Taong 2024 na, kailangan na nating maging mas advance mag-isip at wais kaysa sa mga scammer upang tuluyan na silang masugpo at mailagay sa dapat nilang kinalalagyan, ang rehas. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page