top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ping at Sotto, asang-asa pa ring mananalo, hmmm

BULGAR
Apr 9, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 9, 2022


KAPAG ISINAPUBLIKO ANG LISTAHAN NG MGA NARCO-POLITICIANS BAKA MASAMA NAME NG PRESIDENTIAL CANDIDATE NA ADIK SA COCAINE – Sabi ni presidential spokesman, PCOO (Presidential Communication Operations Office) Sec. Martin Andanar ay may hawak daw ngayon si P-Duterte na bagong listahan ng mga narco-politicians.


Malamang, kakaba-kaba ngayon ang isang anak-mayaman na presidential candidate na ayon kay P-Duterte ay adik sa cocaine, kasi kapag kasama ang kanyang pangalan sa isasapubliko ng Presidente ay tiyak talo na aabutin niya sa presidential election, abangan!


◘◘◘


DAPAT LANG MANGAMBA ANG BBM-SARA KASI HINDI SURVEY NAGPAPANALO SA KANDIDATO, KUNDI BOTO NG MGA BOTANTE – Inamin ng pinsan ni presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos, na si Lakas-CMD Pres. Rep. Martin Romualdez na sa kabila na mataas ang rating sa mga survey ng BBM-Sara (Duterte) tandem, ay may pangamba pa rin sila sa maaaring maging resulta sa araw ng eleksyon.


Aba'y dapat lang mangamba, kasi hindi naman ang resulta ng mga survey ang nagpapanalo sa kandidato, kundi ang mismong boto ng mga botante sa araw ng halalan, period!


◘◘◘


PORKE PABABA NA SA MALACAÑANG, P-DUTERTE SINASALTIK NA NI TITO SEN – Ayon kay vice presidential candidate, Sen. Tito Sotto ay nanghihinayang daw siya sa anti-endo na "security of tenure" bill na pinaghirapan nila sa Senado na isabatas, kasi ibinasura o ni-reject lang daw ito ni P-Duterte.


Naks, ha, sumasaltik na ngayon sa Pangulo si Sotto porke pababa na sa Malacañang si P-Duterte sa June 30, 2022, pero noon, panay ang sipsip niya (Sotto) sa Pangulo, boom!


◘◘◘


AYAW MAKIPAG-UNITY SA IBANG TANDEM KASI ASA PA RIN SINA PING AT TITO NA SILA ANG MAGIGING PRESIDENTE AT VP – Sabi ni Sotto ay wala raw silang plano ng ka-tandem niyang si presidential candidate, Sen. Ping Lacson na makipag-unity sa ibang kandidato sa pagka-presidente at bise presidente para labanan ang isang candidate for president, na ibig sabihin ay walang atrasan at tuloy ang laban ng tandem na Ping-Tito sa eleksyon.


Hanep ha, talagang asang-asa sina Ping at Tito na magiging presidente at bise presidente sila ng 'Pinas, ha-ha-ha.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page