Pincodes, pictures, binibili ng scammers.. Online transactions, 'di na safe

ni Mai Ancheta @News | October 2, 2023

Pinayuhan ang publiko ng isang opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na iwasan ang apps sa pag-track ng kanilang location.
Ito ay sa pamamagitan ng pag-off ng mobile data o internet kapag hindi kailangang mag-online.
"Isa po ito sa mga data na kinokolekta ng mga scammers, ng cybercriminals para malaman ang behavior ng isang user," ayon kay Cybercrime Investigation and Coordinating Center Undersecretary Alexander Ramos, sa isang panayam.
"Tandaan n'yo ang personal information, PIN codes, lahat ng litrato are now becoming the new commodity online. Mahal ho ang bilihan d'yan," dagdag pa ni Ramos.
Kasabay dito, binalaan din ang mga phone user na huwag sagutin at 'wag pansinin ang mga tawag sa mobile phone na nanghihingi ng personal na impormasyon o PIN codes.
Ayon kay Ramos, kapag nakatanggap ng tawag o text sa cellphone, huwag sagutin ang mga ito lalo na kung nanghihingi ng impormasyon sa mga account sa bangko.
Hindi aniya nanghihingi ng personal na impormasyon ang mga bangko o telecommunication companies.
"Pag ikaw ay sumagot, huli ka. Ibig sabihin alam nila na may tao behind the number," ani Ramos.
Kabilang aniya sa mga impormasyong kinokolekta ng scammers ay personal informations, PIN codes at mga larawan na ibinebenta online.





Comments