top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pinay Booters, babantayan at tuluy-tuloy ang ensayo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 21, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 21, 2022




Sisiguraduhin ng Philippine Football Federation (PFF) na mananatiling matalas at okupado ang Philippine Women’s National Football Team matapos ang makasaysayang kampeonato sa 2022 AFF Women’s Championship noong nakaraang Linggo sa Rizal Memorial Stadium. Nagpaplano nang magsagawa ng torneo at mga FIFA Friendly patungo sa 2023 FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand.


Ayon kay PFF Presidente Mariano Araneta sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum noong Martes ng umaga, isa sa mga pangunahing plano ay ang magsagawa sa Pilipinas ng torneo kasama ang mga bansa na maglalaro sa World Cup na hindi mabubunot sa grupo ng Pilipinas. Ang opisyal na bunutan ay sa Okt. 22, 2022 sa Auckland, New Zealand.


Isang pangunahing konsiderasyon ay ganapin ang mga laro sa tunay na damo tulad sa Australia at New Zealand. Dahil dito, kandidato ang New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac at Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan.


Pasok na rin sa World Cup ang defending champion U.S. Canada, Costa Rica at Jamaica, Sweden, France, Espanya at Denmark, Nigeria, Timog Aprika, Morocco at Zambia, Japan, Tsina, Timog Korea at Vietnam at mga host Australia at New Zealand.


Samantala, kukuha ng inspirasyon sa kanilang mga ate ang national team sa 2022 AFF Women’s U-18 Championship sa Jakarta at Palembang, Indonesia na sisipa ngayong Hulyo 22. Nabunot sa Grupo B, unang haharapin ng mga Pinay ang Australia (Hulyo 25) at susundan ng Myanmar (Hulyo 27) at Malaysia (Hulyo 29).


Bago siya lumipad pauwi ng Australia noong Lunes ng gabi, inihayag ni Coach Alen Stajcic sa BULGAR Sports na tinutulungan nila ang U-18 at kasama sa kanilang ensayo ang head coach nitong si Marnelli “Let” Dimzon. Dagdag ni Coach Stajcic na binabantayan nila ang koponan upang makatuklas ng mga maaaring umakyat sa Senior Team.


Ang torneo ay bukas sa lahat ng manlalaro na ipinanganak simula Enero 1, 2004. Sa Seniors, ang mga bunso na sina Isabella Flanigan at Chantelle Maniti ang pasok sa takdang edad subalit hindi pa tiyak kung palalakasin nila ang U-18.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page