top of page
SPECIAL - HEART, HIWALAY NA RAW KAY SEN. CHIZ, TAMEME_FB Heart Evangelista.jpeg

Pinatay ng amo sa Lebanon... Mga labi ng 2 OFW na iniuwi ng 'Pinas, nagpalit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 15, 2026



2 OFW slain in Lebanon - DMW

Photo: DMW



Inako ng Department of Migrant Workers (DMW) ang responsibilidad sa naganap na pagkakapalit ng mga labi ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa Beirut, Lebanon, at humingi ng paumanhin sa mga naulilang pamilya na naapektuhan ng insidente.


Tiniyak ng ahensya na sasagutin nito ang lahat ng gastusin kaugnay ng muling pagproseso at pagpapadala ng mga labi upang maihatid ang mga ito sa tamang pamilya.


Nagsasagawa rin umano ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung paano naganap ang pagkakamali at upang maiwasan itong maulit sa hinaharap.


Ang dalawang OFW ay nasawi sa Beirut noong Abril 15 matapos umanong i-hostage at barilin ng kanilang employer.


Nakabalik na sa Pilipinas ang mga labi ng dalawang OFW, subalit nadiskubre ng kanilang mga kaanak na nagkaroon ng pagkakapalit sa pagkakakilanlan ng mga ito.


Samantala, patuloy na hinihintay ng mga pamilya ang hustisya para sa pagkamatay ng dalawang OFW, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Lebanon laban sa employer na sangkot sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page