top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

‘Pinas, ‘wag hayaang maging pugad ng mga scammer

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2023
1 min read

@Editorial | May 8, 2023


Isa na namang call center ang sinalakay dahil sa ilegal na operasyon.


Tulad ng mga naunang naiulat, ang istayl ng panloloko ay ang pagre-recruit ng mga dayuhan para gawing scammer.


Sa huling pagsalakay, mahigit 1,000 ang nasagip na umano'y mga biktima ng human trafficking.


Arestado naman ang nasa 11 suspek na umano'y mga manager o supervisor ng mga biktima.


Bukod sa human trafficking, mahaharap din sa kasong serious illegal detention ang mga ito matapos isumbong ng mga nasagip na pinipigilan silang makalabas ng gusali.


Ang isa sa mahalagang tanong sa ganitong kalakaran, paano sila nakapasok nang bansa o na-recruit nang walang work visa?


Posibleng may iba pang call center d'yan na nag-o-operate nang ilegal at nang-aabuso.


Kaya dapat na mas galingan pa ng mga awtoridad ang pagtugis sa kanila.


Sa mga nahuhuling salarin, huwag nang pahabain ang usapan, tuluyan na lalo’t huli naman sa akto, may mga bikima at ebidensya.


Huwag nating hayaan na maging pugad ang Pilipinas ng mga scammer, plis lang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page