'Pinas, umaabot ang basura sa 61,000 MT araw-araw
- BULGAR

- Jan 28, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 28, 2024

Nagpahayag ng pag-aalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga ulat na galing sa Metro Manila ang 20 porsyento ng 61,000 metric tons ng basura araw-araw sa bansa.
Iniulat din ni DILG Secretary Benjamin "Benhur" Abalos Jr. na tanging 1,107 sa 1,634 na local government units (LGUs) sa buong bansa ang may access sa mga sanitary facilities.
“More or less, 500 LGUs do not have access to sanitary landfills. Ang tanong, saan nila tinatapon ang basura. My guess is as good as yours, kung saan saan na lang itinatapon,” ani Abalos.
Nagsusulong si Abalos ng matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng mga LGUs at local government agencies upang harapin ang mga kritikal na isyu sa waste management at water security sa bansa.
Ipinahayag niya ang panawagang ito sa kamakailang Waste and Water Summit sa SMX Convention Center na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pakikipagtulungan sa DILG.
“Let us look at reality – what is really happening on the ground. Not all LGUs are equal. Hindi po lahat ay mayaman,’’ dagdag niya.
Ipinaliwanag din ng DILG secretary na ang DENR ang magtatatag ng pamantayan para sa kalinisan para sa bawat lokalidad, habang ang DILG naman ang magiging masigasig sa pagsusuri at pagbibigay ng pinansiyal na insentibo sa mga LGU na sumusunod nang buo sa mga patakaran.





Comments