‘Pinas, puwedeng mag-top 1, kung paramihan ng mga rich senator at congressmen!
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 18, 2024
KAYA MATAAS ANG PRESYO NG BILIHIN AT BAYARIN SA BANSA, KASI SA SOUTHEAST ASIA, ‘PINAS ANG MAY PINAKAMALAKING VAT -- Sa Southeast Asia (SEA) ay ang Pilipinas ang may pinakamalaking VAT (12%) na ipinapataw sa mga produktong binibili at mga serbisyong binabayaran ng mamamayang Pinoy.
‘Yang 12% VAT ang isa sa dahilan kung kaya’t sobrang mahal ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa ‘Pinas.
Okey lang sana kung ang lahat ng 12% VAT na binabayaran ng taumbayan ay nakikita ng mamamayan na napupunta sa mga infrastructure project at mga programang pangserbisyo-publiko, pero hindi, kasi ang malaking bahagi n’yan (12% VAT) ay napupunta sa confidential at pork barrel funds ng mga trapo (traditional politicians), tsk!
◘◘◘
‘PINAS HINDI PASOK SA TOP 20 RICHEST COUNTRIES SA ASYA, PATUNAY ‘YAN NA FAKE NEWS LANG ANG IKINALAT SA SOCIAL MEDIA NA YAYAMAN ANG PHILIPPINES KAPAG NAGING PRESIDENT SI MARCOS -- Sa inilabas na data ng World Bank (WB) patungkol sa top 20 richest countries in Asia, wala dito ang Pilipinas.
Patunay ‘yan na fake news lang ng mga bayarang news vloggers sa mga Pinoy na magiging pinakamayamang bansa raw ang ‘Pinas kapag naging president si Bongbong Marcos, boom!
◘◘◘
KUNG MAY RESEARCH NA GAGAWIN, ANONG BANSA ANG MAY PINAKAMARAMING RICH NA SEN. AT CONG., MALAMANG TOP ANG ‘PINAS -- Kung may research firm na maglalabas naman patungkol sa kung anong bansa ang may pinakamaraming rich na senador at kongresista, d’yan malamang mag-number 1 ang Pilipinas.
Shocking kasi ang nabulgar sa usapang Radyo 5 host Ted Failon at former Sen. Ping Lacson na bilyunan na raw ang “pet projects” (bagong tawag sa pork barrel) ng mga sen. at cong., kasi sa Senado ay may P160 billion pang-“pet projects” ang mga senador, at P176 billion naman para sa mga kongresistang pro-Marcos, period!
◘◘◘
TALO PA NI DE LIMA SINA BANTAG, TEVES AT QUIBOLOY -- Ang mga kasong nagsasangkot kina former Bureau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag (pagpatay kay broadcast journalist Percy Lapid Mabasa); Negros Oriental Rep. Arnie Teves (pagpatay kay Gov. Roel Degamo) at Pastor Apollo Quiboloy (rape, sexual abuse at child sex trafficking) ay itinatanggi nila, at imbes harapin ang mga alegasyon sa kanila, ang ginagawa nila ay magtago.
Talo pa ni former Sen. Leila de Lima sina Bantag, Teves at Quiboloy kasi ang mga kasong drug trafficking na inakusa sa kanya ay hinarap ng dating senadora, hindi siya nagtago para patunayang mali ang mga paratang sa kanya, nakulong siya, at sa huli ay nagtagumpay siya, na-dismiss ang mga kaso kaya ngayon ay laya na siya.
Kung wala talagang kasalanan sina Bantag, Teves at Quiboloy sa mga akusasyon sa kanila ay dapat harapin nila ang kanilang mga kaso at hindi sila dapat nagtatago, period!





Comments