'Pinas, pinakamataas ang marka sa reading, math at science — PBBM

ni Mylene Alfonso @News | September 9, 2026

Photo: Pangulong Bongbong Marcos sa pagtaas ng marka sa reading, math at science - PBBM / FB
Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nagtala ng pinakamalaking pag-unlad sa sektor ng edukasyon, batay sa pag-aaral ng Programme for International Student Assessment (PISA).
Ayon sa Pangulo, umangat ang marka ng bansa sa tatlong pangunahing larangan ng reading, mathematics, at science na aniya’y bunga ng sama-samang pagsisikap ng pamahalaan, mga guro, magulang, at iba pang katuwang sa edukasyon.
“Tumaas tayo sa lahat ng bahagi—sa reading, mathematics, at science. Iilan lang daw ang mga bansang nakapagtala ng ganoong klaseng improvement na nakikita sa ating educational system,” wika ni Marcos.
Dagdag pa ng Pangulo, magpapatuloy ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa upang higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at matiyak ang mas magandang kinabukasan para sa mga kabataang Pilipino.





Comments