top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pinas pasok na sa q'finals ng AVC Cup, Korea, tinalo

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 26, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 26, 2022



Winalis lahat sa 3 sets ng Creamline Cool Smashers team ang Korea sa bisa ng 25-18, 25-13 at 25-17 kagabi sa huling araw ng preliminaries ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for women sa Philsports Arena sa Pasig City kagabi.

Pinangunahan ni Jema Galanza sa 12 puntos ang kampanya ng Pilipinas upang bigyan ng leksiyon ang mga batang Koreans.

Makakaharap ng Pilipinas ang Thailand para sa knockout stage ng quarterfinals sa Sabado. Samantala, nanatiling undefeated ang koponan ng Japan nang lampasuhin ang Australian team sa pagdurog rito sa 25-4, 25-11, 25-15 para walisin ang Pool B.

Pumalo para sa Japan team si Yuki Nishikawang kabuuang 18 puntos ang mag-22-anyos sa Setyembre 4 mula sa 13-of-27 atake kasama ang 3 aces at 2 blocks para walisin ang lahat ng laro sa Pool B matches. Sinegundahan ito ni Mizuki Tanaka na lumikha ng kabuuang 16pts na may 10 attacks at 6 service aces, habang nag-ambag rin si Miyu Nakagawa ng 11pts. “We had a little time to prepare for this competition with this team. But we did pretty great and I'm so happy for it,” wika ni Nishikawa sa pamamagitan ng interpreter.


Tila hindi naman kuntento sa kanyang laro ang outside hitter na si Tanaka na tumapos sa 10-of-18 attacks sa huling laro sa Pool B.


Papasok ng quarterfinals ang undefeated na Japan kontra sa No.4 na koponan mula sa Pool sa darating na Sabado, habang makakatapat ng winless na Australia ang top-ranked ng Pool A na China na may 3-0 kartada.


Hindi naman umubra ang mga Volleyroos na pinangunahan ni Khiani Garton-Dodd sa pitong puntos lamang at Tessa Browne na nagdagdag ng tatlong puntos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page