'Pinas, pang-115 sa global corruption index

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 2, 2024

Mas napabuti ang ranggo ng Pilipinas sa 2023 Corruption Perceptions Index dahil nasa ika-115 puwesto ito na mas mataas kaysa sa ika-116 ng naunang taon, ayon sa Transparency International.
Nakakuha ang bansa ng iskor na 34 out of 100, bahagyang mas mataas kaysa sa iskor na 33 noong 2022.
Iniulat ng Transparency International na nagpapakita ang 2023 CPI ng malawakang katiwalian sa buong mundo, na ini-evaluate ang 180 bansa sa isang scale mula 0 (highly corrupt) hanggang 100 (very clean).
Mahigit kalahati ng mga bansa ang nakakuha ng iskor na mas mababa sa 50, na nagpapahiwatig ng malubhang problema sa korapsyon.
Nanatili naman ang global average sa 43, at nagpakita ang karamihan ng mga bansa ng wala o kakaunting progreso sa nagdaang dekada.





Comments