'Pinas, may pinakamahal na kuryente sa buong ASEAN — DOE
- BULGAR

- 3 days ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 21, 2026

Photo: File
Iniulat ng Department of Energy (DOE) na ang Pilipinas ang may pinakamataas na residential electricity rate sa Southeast Asia noong Hunyo, na umabot sa P12.43 kada kilowatt-hour (kWh), mas mataas kaysa sa P12.34/kWh ng Singapore.
Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevara, pangunahing dahilan nito ang yellow alerts sa Visayas dulot ng kakulangan sa suplay ng kuryente.
Nakadagdag din umano sa pagtaas ng singil ang mataas na demand sa panahon ng tag-init na nagtulak sa mga power generator na gumamit ng mas mahal na fuel upang mapanatiling umaandar ang mga planta.





Comments