top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Pinas lubog pa rin, flood control projects, ‘anyare na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2023
  • 1 min read

@Editorial | July 29, 2023


Lubog na naman sa baha ang ilang bahagi ng bansa dulot ng bagyo.


Kaugnay nito, nais nang mabusisi sa Kongreso ang mga plano at programa ng gobyerno laban sa baha.


Kabilang sa mga nais masiyasat ay ang drainage system at flood control projects partikular sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa na madalas lumubog sa baha.

Sa pamamagitan ng Senate Resolution 693 ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, inaatasan na imbestigahan ‘in aid of legislation’ ang mga nabanggit na proyekto dahil sa patuloy na paglubog sa baha ng maraming lugar sa Metro Manila. Madalas din umanong bahain ang mga lalawigan ng Pangasinan, Pampanga, Bataan at Bulacan at naranasan din ang pagbaha at pagguho ng lupa sa Lanao del Norte, Zamboanga City, Cebu City at Davao City.


Marami na umanong ginawa at ikinasang proyekto ang gobyerno para maresolba ang matinding pagbaha gayundin ay napakarami na ring pag-aaral sa loob at labas ng bansa ngunit paulit-ulit lamang ang problema.


At dahil marami na palang proyektong ginawa para sa drainage at flood control, panahon na para alamin kung ano’ng nangyari.


Kumusta na nga ba ang mga proyekto? ‘Asan na? Nagamit ba nang maayos ang pondong inilaan?


Bakit tila hindi maramdaman?


Ilan lamang ito sa mga dapat sagutin ng mga ahensyang humahawak sa usaping ito.


Hindi kailangang magpalusot, ang gusto nating malaman ay kung ano ang totoong sitwasyon sa mga flood control projects, tapos.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page