top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

‘Pinas, lubog na sa baha, lubog pa sa utang?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2023
1 min read

@Editorial | August 5, 2023


Lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa bansa.


Kasabay nito, tila unti-unti na rin umanong nalulubog sa utang ang ‘Pinas.


Ayon sa Bureau of Treasury (BTr), tumaas ang utang ng gobyerno noong nakaraang buwan ng Hunyo.


Tumaas ng 0.04 porsyento sa P14.15 trilyon ang utang at mas mataas ito ng P51.31 bilyon noong Mayo.


Nanatiling mas mataas ang panloob na utang ng gobyerno sa P9.7 trilyon o 68.6 porsyento ng kabuuang utang. Tumaas ito ng 1.2 porsyento o P114.3 bilyon.


Ang natitira naman na P4.45 trilyon ay ang kabuuang utang sa labas ng bansa.


Bumaba pa ito ng 1.4 porsyento o may katumbas na P63 bilyon dahil sa paglakas ng piso kontra sa pera ng Amerika.


Masasabing wala namang masama sa pangungutang kung ito ay may dulot na pakinabang. ‘Yung nagagamit ang inutang para mapagkakitaan at mapakinabangan ng bansa.


Umaasa tayo na kayang-kayang patakbuhin ng gobyerno ang ating ekonomiya at mapangatawanan ang pangako na sama-samang babangon mula sa pandemya at krisis, at hindi ‘yung babaon sa utang at kahirapan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page