top of page

‘Pinas, laya nga sa dayuhan, pero hindi sa katiwalian

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 15, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAPAT LANG TALAGANG MAGKAROON NG SARILING GUSALI ANG SENADO, PERO HINDI NAMAN SANA MALA-PALASYO ANG IPINAGAWA -- Sabi ng 14 senador na bumoto pabor sa pagpapagawa ng New Senate Building sa BGC, Taguig City, need na ng Senado magpagawa ng sariling tanggapan nila dahil matagal na panahon na raw kasing nangungupahan.


Korek, panahon na rin talaga na magkaroon ng sariling gusali ang Senado, pero hindi naman sana nagkakahalaga ng P23 billion na mala-palasyong New Senate Bldg. ang kanilang ipinagawa dahil 24 senador, 12 department heads at mga staff lang naman nila ang mag-oopisina riyan.


Eh sa laki at lawak ng New Senate Building ay baka magulat na lang tayo na mabalita na ang lahat ng staff ng mga senador ay may sari-sariling opisina sa bagong gusali ng Senado, boom!


XXX


SINO ANG DAPAT IBOTO, MGA FORMER SEN. NA NAG-‘YES’ O MGA NAG-‘NO’ SA NEW SENATE BLDG.? -- Kung 14 na senador noon ang bumoto pabor sa pagpapagawa ng New Senate Bldg. ay 10 senador din noon ang kumontra. Sa 14 na senador na nag-“yes” ay tatlo sa mga ito ang kakandidato uli sa pagka-senador sa 2025 election at sila ay sina former Senators Tito Sotto, Ping Lacson at Manny Pacquiao. Sa 10 senador naman noon na nag-“no” ay tatlo rin ang kakandidato uli sa pagka-senador next year at sila ay sina former Senators Kiko Pangilinan, Bam Aquino at Antonio Trillanes.


Kaya’t ang tanong: Sino ang karapat-dapat iluklok uli ng mamamayan sa Senado, iyong tatlong dating senador (Sotto, Lacson at Pacquiao) na nag-“yes” o ‘yung tatlong dating senador (Pangilinan, Aquino at Trillanes) na nag-“no” sa pagpapagawa ng New Senate Bldg. na binadyetan ng bilyun-bilyong piso mula sa taxpayers money? Period! 


XXX


‘PINAS, LAYA SA DAYUHAN, HINDI SA KATIWALIAN -- Last June 12, 2024 ay ipinagdiwang natin ang ika-126 taong anibersaryo ng Independence Day o kalayaan ng ‘Pinas sa pananakop ng dayuhan.


Ang tanong: Kailan naman kaya lalaya ang ‘Pinas sa corruption? Kasi sa totoo lang, masyado nang talamak ang katiwalian sa ‘Pinas na nagpapahirap sa sambayanang Pinoy, boom!


XXX


SI PASTOR QUIBOLOY ANG DAPAT SISIHIN SA PAGSALAKAY NG KAPULISAN SA KOJC CHURCH -- Walang ibang dapat sisihin sa pagsalakay ng sangkaterbang pulis sa simbahan ni Pastor Apollo Quiboloy na Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City, kundi siya rin mismo.


Kung ang ginawa sana ni Pastor Quiboloy matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang korte kaugnay sa mga kaso niyang child sexual abuse at child sex trafficking ay sumuko siya sa mga otoridad, eh ‘di sana walang naganap na pagsalakay ng kapulisan sa kanyang KOJC church, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page